MARINA ‘Warning’ sa mga Pasahero: Wag Magdala ng Paputok sa Barko

NAGWARNING kahapon si Administrator Maximo Q. Mejia, Jr. (PhD) ng Maritime Industry Authority kkordinasyo(MARINA sa mga pasahero ng barko sa bansa na ‘huwag magdadala’ ng ano mang uri ng firecrackers (paputok) at pyrotrechnic devices (paillaw), na nagbyabyahe sa ano mang lugar sa Pilipinas, lalo na pagsalubong sa Bagong Taon at Tatlong Hari na tampok na pagdiriwang ng kapaskuhan sa bansa.

Ang babala para sa kaligtasan ng mamamayan ay batay sa ‘standing safety policy’ ng DOTC sa pangunguna ni Secretary Joseph Emilio ‘Jun’ Aguinaldo Abaya, ayon kay Mejia. “Ang programang Ligtas Biyahei’ ay ipanapatupad ng MARINA hindi lamang sa kapaskuhan, iba pang pagdiriwang at pista opisyal, kundi “araw-araw”, bigay diin ni Mejia, isang pangunahing ‘maritime law’ at ‘policy’ expert, at dating opisyal ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

May kaukulan ng pakikipag-ugnayan ang MARINA sa iba pang kinauukulndmga ahensiya , kabilang na ang PCG, PPA, AFP, BFP, PNP, DTI, LGUs at mga grupo mula sa hanay ng pribadong sektor, sa pagpapatupad ng Republic Act No. 7183, ang batas na nagsasaad ng wastong paggawa, paggamit, at pagbebenta ng paputok at pailaw sa Pilip;inas, at pagpapataw ng kaukulang parusa sa paglabag nito.

Nanawagan si Mejia sa mga may-ari ng mga barko o sasakyang pandagat, pampasahero man o pang-cargo, na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa MARINA at iba pang kinauuklang sangay ng pamahalaan at iba pang kinauukulan grupo na ang layunin ay ‘umiwas sa paputok at magligtas ng buhay’.

Batay naman sa talaan ng DOH Action Paputok Group, may 162 katao na ang nagtamo ng mga sugat, kabilang na ang lapnos sa balat at matinding sugat sa mga daliri, pisngi, braso at iba pang bahagi ng katawan, simula ng pagpasok ng Kapaskuhan nitong nakaraang Disyembre.

 

MARINA, MARITIME PHILIPPINES, We Move the World.

The Maritime Industry Authority is an attached agency of the Department of Transportation and Communications tasked to accelerate the integrated development of the maritime industry in the country. It has been implementing reforms and programs to transform the country’s domestic shipping industry to global competitiveness and the MARINA into a premiere maritime administration in Southeast Asia. For more information, visit marina.gov.ph.

 

PRESS RELEASE No. 2014-040
30 December 2014

 

Contact:

Atty. Jabeth A. Dacanay
Chief of Staff, Office of the Administrator
MARITIME INDUSTRY AUTHORITY (MARINA)

Telephone No.: 523-9078
Email: oadm@[email protected]

Posted on February 23, 2015


DECISIONS AND SUSPENSIONS

Show More...



VERIFICATIONS